Coinslot: Coins not reading / Coin Calibration Tutorial

Table Of Contents

Rejected ng maraming coins? Don’t worry! May madali tayong solusyon diyan.

Para malaman kung bakit hindi nababasa ng coinslot mo ang barya, may dalawang paraan kang pwedeng gawin:

Checking #1 Troubleshoot page

  1. Buksan ang Portal account mo at pumunta sa Coin Machine Management
  2. I-click ang 3 dots sa lower right ng coin machine mo
  3. Piliin ang Troubleshooting
  4. Kapag may text na naka-red, ibig sabihin kailangan mo na i-recalibrate.

Checking #2 System Diagnosis

  1. Buksan ang Portal account mo at i-click ang System Diagnosis
  2. Makikita mo dito kung kailangan na bang i-recalibrate ang coin machine mo.

Solution #1: I-check ang Coin

  1. Tingnan kung peke o totoo ang coin.
  2. Maraming fake coins ngayon, madalas ay magaan kapag hinawakan.
  3. Ang mga ganitong klase ng coins ay hindi tinatanggap ng ating coinslot.

Solution #2: I-check ang Coin Machine Management

  1. Buksan ang iyong portal account at pumunta sa Coin Machine Management
  2. Laging i-update ang coinslot kung may available na update
  3. I-check din ang bilang ng coin rejections sa ilalim ng Today Coin Rejects
    • Kung mahigit 10 ang rejections, kailangan mo nang mag-calibrate ng coinslot

Coin Calibration Tutorial #

  1. Buksan ang portal account
  2. Pumunta sa Coin Machine Management
  3. I-click ang 3 dots sa lower right ng iyong coinslot
  4. Piliin ang Coin Calibration
  5. I-click ang Delete All
  6. Maghanda ng mga coins para sa calibration
    Recommended: bawat coin value ay may tig-5 piraso
    (example. 1 old = 5 pcs, 1 new = 5 pcs, atbp.)
  7. Simulan sa 1 new
    • I-click ang 1 new icon
    • Mag-insert ng parehong coin value ng 31 beses o hanggang sa tumunog muli ang coinslot
  8. Ulitin ito para sa lahat ng coin values
  9. Kapag tapos na, i-restart ang coinbox
  10. Tapos na!

What are your feelings

Updated on 2025年5月23日