Router Issue: Orange Blinking

Kung may problema ka sa orange blinking na ilaw ng router mo, don’t worry! May mga solusyon tayo para maayos ‘yan.

Solution #1: I-reset ang Router

✅ Siguraduhing naka-on ang router at nagbi-blink ng orange ang ilaw

✅ Hanapin ang Reset button sa likod ng router (katabi ng WAN port at antenna, may nakalagay na tag na “Reset”)

✅ Gumamit ng SIM card ejector o kahit anong bagay na kasya sa butas ng reset slot

✅ I-press at i-hold ang reset button ng 8 seconds

✅ Hintayin ang 5–10 minutes hanggang sa mag-blue light na ulit ang router mo

Solution #2: Reflash ang ShareWiFi System sa iyong Router (Kailangan ng Laptop o Computer)

  1. Tanggalin muna ang plug ng ShareWiFi Router.
  2. I-press and hold ang Reset button, sabay isaksak muli ang power adaptor habang hawak pa rin ang reset button.
    • Kapag naging smooth o dahan-dahang nagbi-blink ang orange light, ibig sabihin naka-default mode na ang router.
  3. Ikabit ang LAN cable sa LAN Port #1 ng ShareWiFi Router at ikabit ang kabilang dulo sa iyong laptop o computer.
  4. I-download ang Router Flashing Software
    Router Flashing Software.exe
  5. I-extract ang Router Software.zip file, pagkatapos ay buksan ang Router Software folder.
  6. I-right click ang NetworkConfig.exe at piliin ang Run as Administrator.
  7. I-turn off ang WiFi ng iyong laptop o computer.
  8. I-click ang Set IP at hintayin matapos ang Step 4 (karaniwan ay 2–5 minuto).
  9. Kapag natapos na ang Step 4, ibig sabihin successful ang reflashing.
  10. I-click ang Restore DHCP.
  11. Magbi-blink na ng blue ulit ang router at magagamit na ito.
  12. Reminder: Pagkatapos ikabit ang LAN cable sa WAN port, maghintay ng 5–10 minutes para ma-update ang router sa latest system version.

Solution #3: Contact Human Support

Mag-message sa aming page at mag-request ng Human Support, pagkatapos ay maghintay lang ng tawag mula sa aming excellent technical support team.

What are your feelings