Paano mag bind ng router at coin slot sa inyong account

Step1: I-connect ang LAN cable sa LAN port ng inyong ISP Modem

Step2: I-connect ang LAN cable sa WAN port ng billing router

Step3: I-saksak sa power outlet ang billing router and coinbox

Step4: Hintaying mag pakita ng blue light ang billing router

Step5: Kapag blue na ang status light ng billing router, kumonnect sa SSID nito na may pangalang ShareWifi sa unahan.

Step6: Buksan ang inyong google chrome at puntahan ang website na 10.11.12.1 at dapat ma-access ninyo ang page ng insert coin portal.

Step7: Mag scroll down sa pinka-ibaba at hanapin ang router ID.

Step8: I-tap ang router ID upang ma-copy ito.

Step9: Kumonnect sa inyong personal wifi network at i-open ang ShareWiFi App

Step10: Pumunta sa router management at pindutin ang plus icon (+).

Step11: i-Paste dito ang router ID at i-tap ang confirm.

Step11: Kapag na bind na ang inyong router ay bumalik kaagad sa router management at hanapin ang upgrade na naka kulay pula at i-tap ito. Hintaying matapos ang update na mag tatagal lamang ng mga 5 minutes.

Step12: Kapag tapos na mag upgrade ang inyong router sa latest version. Bumalik sa dashboard at tignan ang blue notification sa gilid ng coin machine management at i-tap ito.

Step13. Pindutin ang coin slot information i-tap ang confirm

Step14. Pindutin ang bell button upang ma test ang connection. Kapag tumunog ang coin machine, ang ibig sabihin nito ay matagumpay mong na i-bind ang iyong router at coin slot sa inyong account.

Narito ang Video ng complete guide kung paano i-bind ang router at coin slot sa inyong account.

What are your feelings

Updated on 2025年7月11日