Narito ang guide kung paano i-setup ang iyong WiFi Extender o Access Point (AP):
⚠️ Note: Magkakaiba ang system ng bawat router. Kung iba ang itsura ng settings sa guide na ito at hindi mo ito mahanap, mag-search sa Google o kontakin ang manufacturer ng iyong router.
- Buksan ang iyong Portal page at pumunta sa Router Management.
- I-click ang three dots sa ilalim ng iyong ShareWiFi router.
- Piliin ang Modify Device.
- I-toggle on ang Combine 2.4G and 5G at i-click ang Confirm.
- I-connect ang LAN cable sa kahit alin sa ShareWiFi LAN ports (Port 1–3).
- I-connect sa iyong Router Extender at i-access ang admin page (makikita ang admin address sa likod ng router).
- Hanapin ang Connection Mode Settings.
- I-set ang mode sa “AP” o “Access Point” (Mahalaga ito!).
- Palitan ang SSID ng iyong Router Extender at gawin itong eksaktong pareho sa SSID ng iyong ShareWiFi Router.
- Tapos na.