Overview #
May ilang WiFi extenders at Wireless Access Points (AP) na gumagamit ng paraan na binabago o tinatago ang MAC address ng mga devices na kumokonek sa kanila.
Okay lang ito sa normal na home setup, pero nagiging malaking problema ito sa ShareWiFi system dahil kailangan namin ang original at unique na MAC address para sa tamang billing at session tracking.
Kapag lahat ng devices ay ginawang pare-pareho ang MAC address, hindi na ma-identify ng ShareWiFi kung sino ang tunay na nakakonekta. Ito ang nagdudulot ng login errors at billing issues.
Bakit Hindi Compatible ang Mga Ganitong Devices #
1. Binabago nila ang MAC Address #
May mga extenders at AP na ginagawa iisa lang ang MAC address ng lahat ng nakakonek sa kanila.
Kapag ganito ang nangyari:
- Hindi ma-detect ang totoong identity ng bawat device
- Nagkakaroon ng double session o maling billing
- Nagfe-fail ang authentication
- Nag-aactivate ang system security protections
2. MAC Address ang Base ng ShareWiFi Billing #
Umaasa ang ShareWiFi sa unique MAC address ng bawat device para:
- I-verify ang user
- I-track ang oras na binili
- I-maintain ang session
- Makaiwas sa fraud
- Maging fair para sa lahat ng users
Kapag pare-pareho ang MAC, hindi na namin sila ma-distinguish.
3. Automatic Detection & Blacklisting #
Para maprotektahan ang network, ang ShareWiFi system ay:
- Dina-detect ang mga device/AP na nagma-mask ng MAC
- Automatic na nila-blacklist ang device
- Nagpapadala ng notification email sa user
Ito ay para maiwasan ang maling billing at network abuse.
4. IMPORTANT: Madalas Lumalabas ang Issue sa Wireless AP Mode #
Ang problemang ito ay karaniwang nangyayari kapag naka-Wireless AP mode ang device, lalo na yung mas mura o luma.
Sa AP mode, may ilang device na:
- Ginagawang clone ang MAC address
- Gumagamit ng MAC NAT
- Ginagawang iisang MAC ang lahat ng traffic para “mas simple” daw
Pero dahil dito, hindi makapagtrabaho nang tama ang ShareWiFi billing system dahil hindi namin makita ang tunay na device identity.
Rekomendasyon #
Huwag gumamit ng WiFi extenders o APs na nagma-mask, nagba-clone, o nagmo-modify ng MAC address.
Gumamit lamang ng devices na pinapanatili ang original MAC address ng bawat device.
Kung hindi sigurado, magtanong muna sa ShareWiFi Support bago bumili o gumamit ng extender/AP.
❌ Hindi Compatible na Extender #
Confirmed hindi compatible sa ShareWiFi:
- TP-Link RE550
(Hindi pa kumpleto ang listahan. May iba pang extenders/APs na posibleng hindi compatible. Iu-update namin ito regularly.)