Ang Owner WiFi ay isang dedicated WiFi network para sa operator o owner ng ShareWiFi router.
Ito ang WiFi na maaari mong gamitin para sa iyong sariling devices tulad ng:
- 📱 Mobile Phone
- 💻 Laptop
- 📺 Smart TV
- 🖥️ Desktop Computer
- 📷 CCTV
- 🏠 Smart Home Devices
- 🤖 IoT Devices
Hindi ito dumadaan sa billing ng ShareWiFi, kaya hindi mo na kailangang mag-insert ng coins o bumili ng internet package para makakonekta.
Paano Tingnan ang Owner WiFi Details #
- Mag-login sa app.sharewifi.cc.
- Hanapin ang router na gusto mong i-manage.
- Sa router management, hanapin ang Owner SSID (Beta).
- I-click ang Owner SSID (Beta)
Lalabas ang pop-up na may impormasyon tulad ng:
- Owner SSID
- Owner Password
Gamitin ang mga ito para ikonekta ang iyong sariling devices.

Enable o Disable ang Owner WiFi #
Maaari mo na ngayong i-enable o i-disable ang Owner WiFi anumang oras.
Kung ayaw mong makita o magamit ang Owner WiFi network, pwede mo itong i-turn off.
Paano i-disable ang Owner WiFi? #
- Mag-login sa app.sharewifi.cc.
- Go to Router Management
- I-click ang Owner SSID (Beta).
- Hanapin ang Owner WiFi Setting.
- I-toggle ang switch sa OFF.
- I-click ang Confirm upang i-save ang pagbabago.
Kapag naka-OFF ang Owner WiFi, hindi na magba-broadcast ang private Owner WiFi network at hindi na makakakonekta ang mga devices gamit ang Owner SSID.
Kung gusto mo itong gamitin muli, i-toggle lang ulit sa ON at i-click ang Confirm.
💡 Kailan Ko Dapat I-disable ang Owner WiFi? #
Maaaring i-disable ang Owner WiFi kung:
- Hindi mo ito ginagamit.
- Gusto mong bawasan ang mga WiFi networks na naka-broadcast.
- Gusto mong dagdagan ang security ng iyong network.
- Wala kang personal o admin devices na kailangang kumonekta sa Owner WiFi.
⚠️ Note: Kapag naka-disable ang Owner WiFi, lahat ng devices na dating nakakonekta rito ay madi-disconnect at hindi na makakakonekta hangga’t hindi mo ito muling ine-enable.
Ano ang Owner SSID? #
Ang Owner SSID ang pangalan ng private WiFi network ng iyong router.
Halimbawa:
ShareWiFi_A7361A_Owner
Ito ang WiFi na makikita mo sa listahan ng available WiFi networks.
Ano ang Owner Password? #
Ito ang password na gagamitin para makakonekta sa Owner WiFi.
Siguraduhing huwag itong ibigay sa mga customers kung gusto mong manatiling private ang iyong admin WiFi.
Kailan Ko Dapat Gamitin ang Owner WiFi? #
Recommended gamitin ang Owner WiFi para sa:
- Pag-manage ng ShareWiFi router.
- Personal internet ng operator.
- CCTV at security cameras.
- POS (Point of Sale) systems.
- Smart TVs.
- IoT devices.
- Family devices sa bahay o tindahan.
Important Reminder #
⚠️ Ang Owner WiFi ay para lamang sa operator o owner ng router.
Kung ibabahagi mo ang Owner SSID at password sa ibang tao, makakagamit sila ng internet nang hindi dumadaan sa normal na ShareWiFi billing system.
Para sa seguridad ng iyong negosyo, huwag ibahagi ang Owner WiFi credentials sa mga customers.
Frequently Asked Questions #
Libre ba ang Owner WiFi? #
Oo. Ang Owner WiFi ay exclusive para sa owner ng router at hindi dumadaan sa billing system.
Pwede bang gamitin ito ng customers? #
Hindi ito recommended. Kapag binigay mo ang Owner WiFi credentials sa customers, makakagamit sila ng internet nang hindi nagbabayad.
Bakit hindi ko makita ang Owner SSID at Password? #
Siguraduhing naka-login ka sa tamang ShareWiFi account at may access ka sa router. Kung hindi pa rin lumalabas ang Owner WiFi details, makipag-ugnayan sa ShareWiFi Support para sa assistance.