Narito ang guide kung paano mo mababago ang WiFi Rates at paano ito i-bind sa iyong ShareWiFi Router:
Paano baguhin ang WiFi Rates
- Buksan ang iyong Portal account at pumunta sa Plan Management.
- Makikita mo ang listahan ng iyong mga plan. Pwede ka ring magdagdag ng bagong plan sa pamamagitan ng pag-click sa “+” na sign.
- Sa listahan ng iyong mga plan, i-click ang pen icon sa tabi ng rate na gusto mong baguhin.
- Baguhin ang WiFi Rate ayon sa gusto mo at i-click ang Save pagkatapos ng bawat update.
Paano i-bind ang Plan Package sa iyong ShareWiFi Router
- Buksan ang iyong Portal account at pumunta sa Router Management.
- I-click ang three dots sa ilalim ng iyong Router.
- Piliin ang Bind Package.
- Pumili ng Plan Package na gusto mong gamitin.
- Done!